Piyudalismo
Ang piyudalismo o
peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang
pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga
nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa
panginoong may-ari.Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng
basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang
nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang
seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang
simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko. Nagkakaroon ng omahe
o pagbibigay-dangal ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang
maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya bilang
pag-iisa ng panginoon at ng basalyo.
Para po sa akin ang
piyudalismo ay kung saan ibinibigay nila yung lupain nila sa panginoon para maproteksyunan ang sarili. Nagkakaroon din po
ng pagbibigay puri o dangal na paraan na pagiging tapat sa panginoon nila, ito
ang pag sasama ng panginoon at basalyo sa isang seremonya. Ang fief naman yung lupaing tinatanggap ng mga basalyo. Basalyo naman ang tawag sa mga
taong nagbibigay ng lupa para mailigtas ang sarili nya.Tinatawag din pong sistemang piyudalismo kapag kailangan ng hari o panginoon na magpamigay ng fief o lupain.
Comments
Post a Comment